Magandang
araw mga kaklase, Kumusta? Gusto kong ipahayag sa inyo ang isyung K to 12 na
ipinatupad ng ating gobyerno at ito nama’y inumpisahan ng DepEd. Isa lang naman
ang gusto malaman ng mga batang Pilipino: Handa nga ba talaga tayo sa K to 12?
Sa palagay ko, sinadyang pinadali ang lahat. Paano nga naman uunlad ang ating
bansa kung lahat ng bagay ay pinapadali? Akala nila na kapag binilisan ang
lahat makakahabol tayo pero, ano naman kung hindi nga talaga makahabol ang Pilipinas?
Saan nga ba papunta ang lahat ng pinapadaling mga bagay? Magiging tagumpay ba
ang resulta nito?
Kahit mismo
ang DepEd, hindi makasagot ng mga katanungan ng sambayanan at kung sila’y
tanungin ang tanging sagot lang nila ay “Wala na po kaming magagawa dahil
naipatupad na ang batas.” Kung gobyerno naman mismo ang hindi umiisip ng
mabuti, sana hindi na lang muna nila ito ipinatupad at kung gagawin nga talaga
nila itong batas, sana pinaghandaan nila ito noon pa. Tama nga na ipinatupad
ang K to 12 pero sa maling oras nga lamang. Ang mga estudyante ay hindi
experimento ng hindi handang K to 12. Paano na lang kaya kung hindi kami
umasenso? Apektadong apektado ang kinabukasan ng mga mag-aaral. Sana naman
pinagisipang mabuti ng DepEd kung kailan dapat umpisahan ang K to 12. Hindi pa
nga handa ang lahat tapos biglaan pa itong nangyari. Sa tingin ko, magiging palpak
ang kalabasan nito. Sana naman pinatagal nila ang pag-umpisa ng K to 12 para
mas maging handa sila sa kung ano ang ipapaturo sa mga estudyante at parang
sigurado na magiging maayos ang kinabukasan naming lahat. Ang mga silid-aralan
ay kulang pa nga sa iba’t ibang paaralan. Makakapagawa ba ng mga silid-aralan
ng mabilisan ngayo’y papalapit na ang susunod na taon? Saan nga ba makakakuha
ng 150-300 na silid-aralan sa ganitong kaliit na oras? Saan din ba tayo
makakakuha ng mga guro ngayo’y kakaunti na lamang ang gusting magturo? Talaga
bang handa ang lahat sa susunod na taon? Nakasalalay ang mga kinabukasan ng mga
unang estudyanteng makakaranas ng K to 12. Paano na lang kami kung hindi ito
makatwiran? Sayang lang pala ang lahat ng pinag-aralan or pag-aaralan namin.
Nahihirapan din naman ang mga estudyanteng humabol sa mga biglaang leksyon o
pabilisang pagturo ng mga guro dahil sa paiba ibang systema ng DepEd. Sa ngayon, ang tanging magagawa na lang natin
ay intindihin sa mga gawaing K to 12
dahil baka may pag-asa pang maging tagumpay ito.
Naniniwala
ako na kahit papano ay makatutulong nga ang dinadagdag na dalawang taon sa high
school curriculum. Sabi nga nila “Ang kabataan ang tanging pag-asa ng bayan.”
Kaya, mga kasama, mga kaibigan, huwag nating bigoin ang ating bayan. Sama-sama
tayo upang matulungang umunlad ang Pilipinas. Lahat tayo ay sama-samang
haharapin ang mga pagsubok at mga komplikasyon ng K to 12. Huwag tayong mawalan
ng pag-asa. Patunayan natin sa ating sariling bayan ng kaya natin ito. Iyon
lamang po. Maraming Salamat.
No comments:
Post a Comment